Umalis si Tang Rou para magpahinga. Si Ye Xiu naman ay wala nang masyadong gagawin pa. Malapit na rin naman ang alas sais at halos walang kustomer ang nangangailangan ng kaniyang tulong. Kalahati sa kanila ay nakasandal ang ulo sa kanilang mga lamesa.
Tumayo si Ye Xiu at saglit na naglakad-lakad. Pagkatapos ay bumalik siya sa front desk para manuod ng mga palabas at patnubay tungkol sa Line Canyon.
Sa isang iglap ay dumating na ang katapusan ng trabaho ni Ye Xiu. Isinuko niya ang kaniyang upuan, kumain ng agahan at natulog kagaya ng nakasanayan niya.
Pero para sa mga pitong guilds sa ika-sampung server, ang mga oras na iyon ay napakaimportante. Pagkatapos ng matagal-tagal na usapan ay nakagawa sila ng isang plano na sinang-ayunan nilang lahat: Harangan ang mga lagusan para sa Line Canyon.