Natanggap ni Cold Night ang mensahe ni Jiang You. Hindi lang sila maswerte. Nalinis na ang team ng Tyrannical Ambition at isa na namang team ang nakasalamuha nila. Ang una niyang plano ay magintay sa ibang guilds na magdusa pero siya na naman ulit ang nagdusa. Gusto talagang sumigaw ni Cold Night ng "Bakit palaging ako!" Para masabi ang kanyang kasalukuyang nararamdaman.
Pero nakatanggap siya ng coordinates at wala siyang oras na kailangang aksayahin. Ang importante ay magmadali at sagipin sila at posibleng patayin din si Lord Grim. Syempre, hindi ito isang bagay na magagawa niya ng magisa. Kailangan niya ng lakas ng lahat. Malapit ng bumagsak si Cold Night , noong may sumigaw ng isa: "Coordinates 2873, 3398!"