"Oras ng umalis sila sa dungeon?"
"Oo, kung pumasok sila sa dungeon ng 12, malapit na ang oras nila na matapos ang kanilang tatlong runs at naghahanda na para umalis."
"Ihahatid naming sila paalis." Tumawa si Ye Xiu.
Ngayon, naintindihan na ni Su Mucheng at Qiao Yifan kung ano ang gustong sabihin ni Ye Xiu. Para naman kay Steamed Bun Invasion, kahit na may karanasan siya sa laro, halos inosente naman siya at hindi ito nakuha, kaya nagpatuloy siya sa patatanong: "Ihahatid sino?"
"Mga taong hindi magalang satin." Sabi ni Ye Xiu.
"Edi, bakit natin sila ipapadala?" Hindi pa rin ito nakiha ni Steamed Bun Invasion. Kahit si Tang Rou ay nakuha na ito. Ngayon na sinusuri ni Ye Xiu ang ganitong klase ng sitwasyon: Ang mga kalaban sa kaliwa ng kanilang elite team at patuloy sa paglelevel. Sa sandaling ito, tapos na sila sa kanilang tatlong dungeons kaya hindi ba halata kiung ano ang gagawin nila?