"Bahagyang nakakainip ang dungeons." Sabi ni Ye Xiu kay Tang Rou. "Pero kung gusto mong gumaling, hidni mo maiiwasan na gawin ang paulit ulit ang ganitong pageensayo."
Hindi ito nagsabi ng kung anong nakakaiyak na kwento o halimbawa ng kilalang mga tao para kumbinsihin siya. Ito lang ang tanging sinabi ni Ye Xiu.
"Naintindihan ko." Sagot ni Tang Rou. Nasa inaasahan naman ni Ye Xiu ang sagot na ito. Alam niya na hindi na siya kailangang magpaliwanag pa. Ang hand speed ni Tang Rou ay hindi narating ng normal. Resulta lang ito ng matagalang pageensayo. Ito ang dahilan kung bakit naniniwala si Ye Xiu na ginawa na niya ang ganitong ensayo dati. Ang resulta ay hindi lang lalabas sa pageensayo ng isa o dalawang beses. Ang importanteng parte ay ang pagpupursige.