Symepre, karamihan sa mga bangkay ay wala na doon. Halos lahat ay piniling magrevive at bumalik sa city. Tanging si Lonely Drink na huling bumagsak ang naroroon pa. Malaking lupon ng mga guild players ang sumusunod sa kanila. Pero sa kasamaang palad, natalong lahat ang 32 miyembro ng hukbo. Sa kasalukuyan, walang nakakaalam kug nasaan ang posisyon ni Lord Grim at ng kanyang grupo. Hindi naman nagmadali si Lonely Drink at nagrevive dahil hindi pa tapos ang laban. Gusto niyang malaman kung saan sila susunod na tutungo. Lumutang naman si Lonely Drink na parang multo, tinignan ang kanyang bangkay at sa malapit na pitong players sa gubat.
"Ha ha ha, nakapatay ako ng isa. Natalo ka!" Parang baliw na tumawa si Steamed Bun Invasion at nakikipagusap kay Concealed Light habang pinagmamasdan ang kanyang system log.
"Huh?" Biglang napatanong si Steamed Bun Invasion. Ang kanyang mata ay nalaglag sa bangkay… Lonely Drink, ang player na kapapatay niya lang.