Hindi magkaibigan si Concealed Light at Steamed Bun Invasion. Pero nung makita niyang tinahak ni Steamed Bun ang isang daanan na kung saan madali siyang matutuklasan, hindi niya mapigilang sumigaw at balaan siya.
"Sige, saan ako tatakbo?" Kaagad na bumalik si Steamed Bun Invasion.
"Dito ka tumakbo." Pinamunuan na naman ni Concealed Light ang daan.
"Saan ba kayo magkikita?" Nagtanong si Concealed Light. Mas mabuti pang dalhin nalang niya si Steamed Bun Invasion sa pupuntahan niya.
Para bang aksidenteng nadapa si Concealed Light sa lupa dahil sa isinagot ni Steamed Bun Invasion sa tanong niya.
"Kung hindi mo alam, saan ba tayo tumatakbo?" Nagtanong si Concealed Light.
"Abay ewan ko, ikaw kaya ang nangunguna." Sumagot si Steamed Bun Invasion.
Napasuka ng dugo si Concealed Light: "Sabihin mo nalang sakin ang pangalan ng lugar, dadalhin kita doon."