Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 184 - Kalakasan Rin Iyan?

Chapter 184 - Kalakasan Rin Iyan?

Matatawag na masarap ang mga pagkain na inihahanda ng Club para sa mga miyembro ng team. Libre ang pagkain at syempre, pumupunta rin dito ang ibang mga opisyal na miyembro ng Club para makikain. Gayunpaman, ang natatamasa nilang benepisyo ay hindi makakakumpara sa natatamasa ng mga miyembro ng team.

Wala ring ganoong benepisyo si Changing Spring, pero sinundan niya si Huang Shaotian at ginamit ang kaniyang posisyon para makakain ng libre. Gayunpaman, kahit na masasarap ang mga pagkain ay hindi niya ito nalalasahan ng lubos. Ang isipan ni Changing Spring ay nakatuon pa rin sa sinabi ni Yu Wenzhou kanina.

Si Lord Grim ay ang Diyos na si Ye Qiu.

Matagal-tagal ring natunaw sa isipan ni Changing Spring ang balitang ito, mas matagal pang matunaw kaysa sa hapunang kinain niya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS