Pagkatapos matingnan ang leaderboards para sa tatlong dungeons, umikot si Yu Wenzhou para matanong si Huang Shaotian.
Nakatayo si Huang Shaotian sa likuran niya. Itinaas niya ang kaniyang ulo para kamutin ang kaniyang baba bago umiling: "Matagal-tagal na akong hindi nakakapasok sa mga dungeon na ito, hindi ko masabi ang sagot sa katanungan mo base sa oras na ginugol nila. May nakikilala ka bang kahit na sino sa mga manlalaro at kung may kakaiba ba silang katangian? Alam mo rin ba ang class nila at ang kanilang mga kagamitan?" Sabi ni Huang Shaotian kay Changing Spring.
"Oh? Ang manlalarong susi sa lahat ng ito ay si Lord Grim." Itinuro ni Changing Spring ang pangalang nasa lahat ng pangunahing records sa tatlong three leaderboards.
"Sino ba ang taong ito?" Nagtanong si Huang Shaotian.