Kung walang pagkakataon, gumawa ka ng sarili mong pagkakataon.
Namalayan ni Jiang Botao ang katotohanan na ito, pero sa kasamaang-palad ay naging masyadong huli na ang lahat para sa kaniya. Pero hindi mo naman masasabi na siya ay naging pabaya. Parang nagmadali si Ye Xiu sa kaniyang opensiba para sa kaniya.
Pero sa totoo lang ay hindi iyon mamamalayan ng isang ordinaryong manonood lamang. Namalayan ito ni Jiang Botao dahil sa matulis niyang pandama.
Iyan ang isa sa mga kalakasan ni Jiang Botao. Pero ngayon, ang kalakasang iyon ang naging sanhi ng kaniyang kamalian. Namalayan niya ang pagmamadali ni Ye Xiu, pero siya mismo ang naging masyadong nagmadali.
Hindi iniisip ni Jiang Botao na mahirap gamitin ang Falling Light Blade matapos ang Collapsing Mountain. Pero ang hindi inaasahan ni Jiang Botao ay ang katotohanan na maiilagan ni Lord Grim ang kaniyang mga Wave Slash.