30%, 22%, 17%, 11%...
Nagpatuloy sa pagbagsak ang buhay ni One Inch Ash at bumagsak ito hanggang sa siya ay nasa bingit na ng kamatayan.
Kahit na parang wala na siyang ibang magagawa pa, at kahit na parang wala nang makakasalba pa kay Qiao Yifan ay hindi pa rin sumusuko si Qiao Yifan. At saka, hindi na mangangahas sina Pan Lin, at Li Yibo na ideklara siya bilang patay na.
Iyan ay dahil sa masyadong marami na kasi silang karanasan tungkol sa mga himalang nagagawa ng Team Happy.
At ngayon? Ano kaya ang mangyayari?
Kasakuluyang kulay pula na ang Health Bar ni One Inch Ash.
Pero wala pa rin sa mga plano ni Qiao Yifan ang sumuko. Gayunpaman, may limitasyon ang kaniyang kakayahan. Sa entablado ng mga propesyonal na manlalaro ay maaaring magbago ang takbo ng isang laban sa loob lamang ng isang kisap-mata.