Kapag ang isang kampo ay umaatake, syempre. Nagtatatag ng depensa ang kanilang kalaban. Sa mga sandaling ito ay masyadong maaga pa para magsalita ng patapos. Pero kapag ang kaisipang namalagi ngayon sa isipan ng mga manlalaro ng Samsara ay...
"Kapag masyadong mahirap sagutan ang katanungan ay dapat itong iwasan,". Paniguradong sila ang mapapahirapan ng kanilang mga kalaban. Masyadong walang-awa ang entablado ng mga propesyonal na manlalaro, kapag nagbigay ka ng piso sa iyong mga kalaban ay nanakawan ka nila ng isang-libo.
Sapat na ang sunod-sunod na paglitaw ng mga Ghost Boundary, at ilang atake ng Happy para maselyuhan ng Happy ang kanilang tagumpay.
Hindi plano ng Samsara na tumakbo.
Sa epekto ng Sword Boundary ay naging masyadong malakas na ang Happy. Pero kahit na gaano pa man kalakas ang pagpapalakas ng Sword Boundary sa kanila. Hindi pa iyon sapat para masupil nila ang buong Samsara.