Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1701 - Pagkakaintindihang Hindi na Kailangang Sabihin Pa

Chapter 1701 - Pagkakaintindihang Hindi na Kailangang Sabihin Pa

Sumugod si Steamed Bun Invasion.

Anong klaseng atake kaya ang kaniyang isasagawa? Talagang gustong malaman ng lahat ang sagot sa katanungang ito, at dahil diyan ay itinuon nilang lahat ang kanilang atensyon sa kaniya. Kahit na si Sun Xiang ay hindi nangahas na maging pabaya.

Masyadong paiba-iba naman kasi ang lakas ni Steamed Bun, mahirap itong sukatin, at hindi ito dapat na isawalang-bahala na lamang. Ngayon ay nasa hangin pa si One Autumn Leaf, pero hindi kagaya sa stun ang epekto ng mga atakeng naghahagis sa iyo sa hangin.

Kaya pa ring umatake ni One Autumn Leaf.

Papalapit na si Steamed Bun Invasion.

Sumugod si Steamed Bun Invasion nang nakataas ang kaniyang mga kamao, at sa ilalim ng mga mata ng lahat ay hindi pa rin siya umaatake.

Ano bang hinihintay niya?

Napaisip ang lahat, pinanood nila habang papalapit na si Steamed Bun Invasion at matapos nito ay gumamit siya ng... Street Riot!

Put*ngina!

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS