Kung sino ang nakakakontrol sa Cleric ang nakakakontrol sa laban.
Ito ang karaniwang kasabihan sa glory. Nakaikot sa atake at depensa sa Cleric ang team competition. Kung ikukumpara sa laban ng mga Wild Boss sa laro, mas maestratehiya at taktikal ang mga nakapaloob dito. Ang hirap ng mga Wild Boss ay dahil sa bilang ng mga manlalaro na kasama. Pero sa Pro Scene, dapat eksakto ang lahat.
Sa team competition, gumamit ng hindi normal na ruta ang parehas na panig. Piniling target ng Happy ang Empty Waves ni Jiang Botao. Mukhang hindi naman sila nagpapakita ng partikulaw na atensyon sa Laughing Song ni Fang Minghua. Para sa Samsara? Hindi taktikal ang pagatake nila sa Cleric ng Happy pero sa mentalidad. Sa ilang otas, naging epektibo ang kanilang paraan. Pero madaling nadala ni Ye Xiu balik si An Wenyi. Sunod niyang sinira lahat ng dapat gawin ng isang Cleric at binalik ang natatalong Happy.