Kailan pa ito nagsimula?
Parehas din ang tanong ni Jiang Botao. Kanina pa niya dinadala si Tang Rou, kinokontrol ang bilis ng laban. Palagi niyang nararamdaman na magiging matagumpay ang estrateahiya niya. Lahat ng ito ay nasa kamay niya. Nababasa niya lahat ng atake na dumarating sa kanya. Hindi minsan na nagmintis sa inaasahan niya ang mga aksyon ni Tang Rou.
Nauna na siyang nagplano, nagiintay para sa pagkakataon. Umaasa siya na matapos ang laban sa magandang atake. Mas maaasahan ang pagtatapos ng ito at mas mapapataas ang morale ng team.
Pero hindi dumating ang pagkakataon na ito. Hindi maiwasan na mamangha si Jinag Botao kay Tang Rou. Sa engrandeng entablado, sa desididong laban ng tatlo sa Finals, umaatake at umaata siya pero walang nagtagumpay, pero hindi siya nainip at nagpursige. Lalo na ang isang baguhan, kahit ang may karanasan na manlalaro hindi magkakaroon ng ganito kalakas na katibayan ng mentalidad.