Sa kalagitnaan ng trabaho ni Tang Rou sa alas tres ng hapon, ang dalawa ay nakaupo na naman sa harapan ng kanilang mga kompyuter. Imbis na maglaro, itinuoun ni Tang Rou ang kaniyang pansin sa pagbabasa ng mga patnubay. Si Ye Xiu naman ay pumunta sa smoking area para maghanap ng kompyuter na magagamit niya.
Nung nababagot si Chen Guo, sinubukan niyang bilangin ang mga oras na ginagamit ni Ye Xiu sa Internet Cafe. At nalaman niya na kapag pinagbayad niya si Ye Xiu sa kaniyang paggamit ng kompyuter, ang babayaran niya ay doble sa kaniyang sweldo.
Matagal nang namamahala sa Internet Cafe si Chen Guo, pero ito pa lang ang unang beses na may empleado siyang lubos na pinagsamantalahan ang benepisyong ibinibigay sa mga empleado tungkol sa paggamit ng mga kompyuter sa Internet Cafe.