Umupo si Fang Rui sa booth ng manlalaro, tahimik na nag-intay sa kanyang susunod na kalaban.
Nanalo ako!
At laban pa kay Zhou Zekai. Tinapos niya ang sunod-sunod na panalo ni Zhou Zekai. Sa marami, nakagawa na si Fang Rui ng isang bagay na nararapat na ipagmalaki.
Pero hindi masaya si Fang Rui.
Zhou Zekai? Ano naman? Nangangahulugan ba ang pagtalo sa kanya na nanalo na sila sa Finals? Hindi. Hindi lang sa hindi nito nasisigurado ang tropeyo ng kapeonato, hindi manlang nito nasigurado ang kanilang panalo sa group arena.
Para kay Fang Rui, pangalawang manlalaro lang ng Samsara si Zhou Zekai sa group arena. Tama, malakas siya at mahirap matalo, pero mas importante na matapos niya ay ang pangatlong manlalaro ng Samsara. Kung matalo niya ito, may isa ng maliit na hakbang patungo sa tagumpay. May mas madami pang hadlang na kailangan lampasan!
Anong dapat na ikasaya doon? Malayo pa siya sa pagiging masaya o pag-yayabang!
Sunod!