Ito na ang ika-apat na labanan ni Zhou Zekai sa Group Arena. Pero kahit na nasa ilalim ng malakas na Firing Line ni Su Mucheng si Zhou Zekai ay ito pa lamang ang unang beses na sinusupil siya ng lubusan ng kaniyang kalaban.
Siya mismo ang pumili na papasukin ang kaniyang Cloud Piercer sa Firing Line ni Dancing Rain.
Siya mismo ang pumili na sugurin si Dancing Rain.
Siya mismo ang naglagay sa sarili niya sa sitwasyong iyon, at siya mismo ang may gustong basagin iyon gamit ang sarili niyang mga kamay.
Pero hindi ngayon!
Sa magulong labanan na ito ay gumawa ng mga metikuloso't detalyadong mga plano si Fang Rui. Sa mga panahong may nakita siyang pagkakataon ay lubusan niya iyong sinasamantala para makalamang.