Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1658 - Pamamahala sa Sitwasyon

Chapter 1658 - Pamamahala sa Sitwasyon

Hindi umatras si Zhou Zekai. Sumugod pa rin naman siya kagaya sa inaasahan ng lahat. Pero ngayon ay talaga nga namang nahirapan na siya. Noong nahinuha ng mga propesyonal na manlalaro ang mga nangyayari ay nakita rin nila na dehado nga naman talaga si Zhou Zekai sa isang magulong labanan.

Gayunpaman, hindi nakikita ng karamihan sa mga manonood ang isyung ito. Sa mata ng mga matapat na tagahanga ng Samsara, ang kanilang Team Captain ay hindi natitinag at walang kahit na ano mang kahinaan. Kung ano mang kahinaan ng ibang parehas ang class sa kaniya ay hindi niya kahinaan.

Sa totoo lang ay sumasang-ayon naman dito ang mga propesyonal na manlalaro, pero may hangganan ang kanilang pagsang-ayon. Hindi mo maaaring tingnan si Zhou Zekai kagaya sa pagtingin na ginagawa mo sa mga ordinaryong manlalaro.

Para kontrolin, at gawing parang mga espada ang mga bala. Sa tingin mo ba'y kaya 'yan ng kahit na sinong manlalaro mang nakatayo sa isang kanto?

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS