Nabasag ang Firing Line!
May pag-asa pa ring namamalagi sa isipan ng mga ordinaryong manlalaro. Iyan ay dahil sa nakita naman kasi nila ang abilidad ni Su Mucheng sa kaniyang Firing Line. Nakita nila kung papaano minanipula ni Su Mucheng ang kaniyang Firing Line sa distansyang inaakala ng lahat na imposible.
Pero naiintindihan ng mga propesyonal na manlalaro na ang mga nangyari ay hindi dahil sa mahina si Su Mucheng kaysa sa kaniyang kalaban. Nangyari lang ang lahat ng ito dahil sa masyadong marami na ang mga skill na nagamit ni Su Mucheng, sa punto na siya ay naubusan.
Imposibleng resolbahin ang problema ng cooldown, kahit na gaano ka pa ka-galing.
Mailalarawan mo ang labanan na ito gamit ang salaysay na "Sa umaga'y umaangat ang araw sa silangan, habang lumulubog naman ito sa kanluran.". Ang umaga ang panahon ni Su Mucheng, at sa paglubog naman ng araw ay dumating na ang oras ni Zhou Zekai.
Magagawa ba niyang baliktarin ang takbo ng labanan?