Habang pinag-uusapan pa nina Li Yibo, at Pan Lin ang labanan. Magtatagpo na ang landas nina Su Mucheng, at Zhou Zekai. Hindi binagalan ni Zhou Zekai ang kaniyang sarili, at hindi rin naman nagpaawat si Su Mucheng.
Si Dancing Rain ay isang karakter na malakas sa mga pangmalayuang labanan, pero makikita mo ngayon na sinusugod niya ang kaniyang kalaban na para bang siya ay isang pangmalapitan.
Sa mga panahong magtatagpo na ang landas ng dalawa ay biglang huminto si Dancing Rain.
Teka lang?
Naguluhan ang ordinaryong mga manonood. Pero naging mabilis ang mga propesyonal na manlalaro, sa tulong ng kakayahan nilang makita ang lahat sa buong mapa ay kaagad nilang nahulaan ang mga hangarin ni Su Mucheng.
Ang lambak na kinaroroonan nila ay may mga paliko-liko, at hindi ito isang perpektong deretso na daanan. Kapag nagpatuloy sa pagsugod si Dancing Rain papunta sa sentro ng mapa, ang magiging kahihinatnan ng labanang ito ay parehas rin sa nagdaang laban.