Ang kaganapang nagaganap ngayon sa pagitan ng mga NPC ay isang panghihimasok sa labanan nilang dalawa. Pero maaari mo ring samantalahin iyon para sa iyong kalamangan. Kapag nasamantala mo ito ng maigi ay malamang na magiging maganda't kapana-panabik ang magiging takbo ng laban na ito.
Noong una, inaakala ni Sun Xiang na siya ay may malakas na walang makakatinag. Walang kahit na anong hindi niya kayang gawin sa mundo ng Glory. Pero ngayon, inaamin niya na hindi siya malakas sa mga bagay-bagay na nangangailangan ng maingat na pagplaplano, at kalkulasyon.
Dahil diyan, hindi na lamang siya naging maingat pa't hindi na lamang siya nag-isip kung kaya ba niyang gamitin ang mga nangyayari sa paligid para sa kaniyang kalamangan. Napasiyahan niya na kung ano mang nakaharang sa kaniyang daraanan, sila'y kaniyang pupuksain!