"Nagtagumpay ang Happy! Sa ikalawang yugto ng labanan sa finals, sa sariling istadyum mismo ng Samsara ay nakuha ng Happy ang tagumpay! Nagtagumpay silaaa!!!" Sa hanay ng mga pinuno sa seremonyas ay sabik na sabik na iniulat ni Pan Lin ang naging resulta ng labanan sa lahat.
Naging marami ang nahawaan ng pag-asa dahil sa pambihirang paglalaro ng Happy. Isa na doon si Pan Lin. Kahit na bilang isang pinuno sa seremonyas ay hindi siya maaaring pumanig sa isa sa mga kampong naglalaro sa entablado.
May mga oras rin naman na hindi na niya kayang pigilan pa ang kaniyang sarili. Nahawa siya sa pambihirang paglalaro ni Fang Rui, at tumanggi siyang makita na mabigo ang Happy sa pananamantala sa pagkakataong iyon para manalo.