Si An Wenyi ay hindi isang manlalarong maituturing mo na malakas. Pero nasa rurok ang abilidad ni An Wenyi na tingnan ng mabuti ang takbo ng isang labanan.
Nakita ni Lu Boyuan na nanatili si Du Ming para pigilan sina Fang Rui, at Su Mucheng. Dahil diyan ay pinigilan ni Lu Boyuan ang udyok na nararamdaman niya para iligtas si Du Ming. Papaano naman si An Wenyi? Si An Wenyi ay parehas rin ang sitwasyon kay Lu Boyuan.
Kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ni Ye Xiu ang kaniyang Little Cold Hands. Hindi siya nagdalawang-isip at kaagad niyang pinatakbo sa malayo ang kaniyang Little Cold Hands.
Nagalak dito si Ye Xiu.
Kahit na hindi nagugustuhan ni Chen Guo ang pag-uugaling ito ni An Wenyi ay nagagalak naman si Ye Xiu sa pag-uugaling ito ni An Wenyi. Kinakailangang ganito ka-kalmado ang isang Cleric sa kahit na ano mang sitwasyon.