Hinahangaan siya ngayon ng kaniyang matalik na kaibigan? Pero ano naman ang nararamdaman ni Qiao Yifan?
Kalmado lang siya.
Itinuturing siya ngayon bilang ang pinakamalaking banta sa numero unong manlalaro ng Glory. Sa totoo lang, kung nangyari ang mga sandaling ito noong una na kung saan siya ay isang manlalarong hindi pa kilala ay marahil na kakabahan siya. Pero ngayon? Hindi na.
Bakit?
Dahil siya ay nasa kalagitnaan ng isang labanan. Sa labanan, walang kahit na sino mang may mas mataas na estado sa buhay kaysa isa dito. Lahat ay pantay-pantay. Tanging tagumpay lamang ang mahalaga.
Sa labanan, kinakailangang nakatuon ang atensyon mo sa isang bagay. Iyon ay kung papaano mo susungkitin ang tagumpay. Iyan ay isang bagay na natutunan ni Qiao Yifan sa numero unong manlalaro ng Glory. Sa nakaraang numero unong manlalaro.