Sa mga panahong nilisan na ni Du Ming ang entablado ay napuno ng sigawan ang buong istadyum, at syempre. Nagmula ang mga sigawan na ito sa hanay ng mga tagahanga ng Happy.
Ang mga tagahanga ng Happy na sinundan ang kanilang sinusuportahang Team dito sa siyudad na ito ay malinaw na hindi nakakakumpara sa mga tagahanga ng Samsara. Sa totoo lang ay masyadong mahirap ngang marinig ang pagsigaw ng mga tagahanga ng Happy sa istadyum na ito.
Gayunpaman, kahit na masyadong mahina sila sa istadyum na ito'y hindi sila sumuko't huminto sa pagbigay ng suporta sa hinahangaan nilang Team. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para suportahan ang Happy.
Naging masyadong marami ang taong nainis dahil sa nagawang marating ng Happy ang hakbang na ito sa Alliance. May ilan pa ngang iniisip na naging maswerte lamang ang Happy dahil sa nagawa nilang makaakyat sa entablado.