Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1620 - Napapalibutan

Chapter 1620 - Napapalibutan

Masyadong masikit ang daanan sa pagitan ng dalawang bodega na kinaroroonan ngayon nilang tatlo sa punto na hindi mo maaaring sabihin na ito ay isang matinong daanan. Sa totoo lang ay mas mabuti pang ilarawan mo ang lugar na ito na isang butas sa pagitan ng dalawang bodega.

Sa butas na ito ay maaari ka lamang na umatras, o sumugod. Walang kaliwa, o kanan.

Hinaharangan ng Chaotic Cloudy Mountain ni Lu Boyuan ang likuran, habang ang Downwind Sword Slash naman ni Moon-Luring Frost ang nasa harapan. Sa mga panahong papabagsak na ang nakaambang atake ay parang wala na yatang matatakbuhan si Boundless Sea.

Iyan ang naisip ng karamihan.

Pero si Fang Rui mismo ang hindi sumang-ayon doon.

Naging masyadong maliwanag ang mabangis na liwanag na espada, sa punto na parang ito'y nakakabulag na. Gayunpaman, hindi nataranta si Fang Rui. May nakita siyang bahagyang butas na maaari niyang masamantala para makatakas.

Hindi na maaaring magdalawang-isip pa siya.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS