Nung bumalik na si Ye Xiu dala-dala ang nalutong instant noodles. Nakita niyang naglagay ng kahoy na upuan si Su Mucheng sa tabi ng kaniyang upuan. Pinalitan niya ang settings ng laro sa windowed screen mode. Ang kaniyang mga kamay ay kinalikot ang mouse na para bang may hinahanap siya.
"Nandito na ang noodles." Idineklara ni Ye Xiu.
"Ilagay mo dito!" Tinapik ni Su Mucheng ang lamesang nasa tabi niya. May dalawang patong ang reception desk ng Happy Internet Cafe. Ang unang patong ay nasa front desk, habang ang pang-loob na patong ay isang ordinaryong lamesa na pwedeng paglagyan ng mga gamit.
Inilagay ni Ye Xiu ang noodles sa lamesa at bumalik sa kaniyang upuan. Nakita niyang may hinahanap si Su Mucheng sa Internet.
"Ano ba ang hinahanap mo? Tutulungan kitang maghanap." Inilagay ni Ye Xiu ang kaniyang kamay sa keyboard.
"Hinahanap ko ang That Year We Were Holding Hands..." Sumagot si Su Mucheng.