Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1615 - High Ground

Chapter 1615 - High Ground

"High Ground?"

"Syempre!"

Maikli, simple, at eksakto lamang ang mga usapang nagaganap sa team chat ng Happy.

Nagtanong si Su Mucheng tungkol sa chimni na nasa di-kalayuan. Masyadong malalakas ang mga Launcher kapag nagawa nilang makaakyat sa isang mataas na lugar. Mas madali naman kasi para sa kanila ang magbigay ng suporta kapag sila'y nasa ganiyang klase ng lugar.

Kapag nakita ng isang Launcher na manlalarong ang lugar na iyan, at hindi nila naisip na akyatin ito para makalamang sa kanilang kalaban ay masasabi mo na siya'y isang taong hindi bagay na maging isang Launcher.

Pero isinagot ni Ye Xiu ay isang simpleng: "Syempre" lamang.

Sa taas ng chimni na iyan ay masyadong madali naman kasi itong mamalayan. Alam ng mga manlalaro ng Samsara kung ano ang pagkakahanay ng mga manlalaro ng Happy.

Ang Samsara rin ang pumili sa mapan a ito, at dahil diyan ay papaanong hindi nila malalaman ang ibig sabihin ng chimni na ito para sa Happy?

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS