Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1601 - Tunay na Atake

Chapter 1601 - Tunay na Atake

Para kina Lu Boyuan, at Su Mucheng. Nakadepende sa distansya nila sa kanilang mga kalaban kung mananalo ba sila sa isang labanan, o hindi.

Matapos makita na tumilapon papalayo si Chaotic Cloudy Mountain kay Dancing Rain ay hindi mapigilang kabahan ng karamihan sa mga tagahanga ng Samsara.

Nagtatag na naman ng isang Mounted Gun ang Dancing Rain ni Su Mucheng. Marami-rami na ring pagkakataon na ginamit ni Dancing Rain ang Level 75 Launcher skill na ito dito sa playoffs.

Nililimitahan ng skill na ito ang galaw ng isang karakter, pero pinapalakas nito ang pinsala ng isang Launcher. Ito ay isang sagisag ng intensyon ng isang Launcher na makipaglaban ng harap-harapan sa isang madugong labanan kaharap ang kaniyang kalaban.

Saktong-sakto ang huling destinasyon ng X-1 Extruder para sa Firing Line ni Su Mucheng. Sa mga panahong sumabog na sa wakas ang X-1 Extruder ay nakarating na rin ang mga balang pinapakawalan ng Mounted Gun.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS