Noong ika-walong season ng Glory Professional Alliance ay naging malaki ang naiambag ni Lu Boyuan sa tagumpay ng Samsara para sa kanilang unang Kampeonato. Matapos ng taong 'yun ay naging sikat na manlalaro na si Lu Boyuan.
Sa halalang naganap sa All-Stars ng sumunod na taon ay naging marami ang bumoto kay Lu Boyuan, siya ay naging isang All-Star na manlalaro na nasa ikalabin-tatlong pwesto. Pinalitan niya ang nakaraang All-Star na manlalaro na isang Grappler rin na si Li Yihui na naglalaro ngayon sa Team 301.
Simula sa mga panahong 'yan ay nasa tuktok na ng sarili niyang class si Lu Boyuan. Tungkol naman kay Li Yihui, siya ay isang All-Star na manlalaro naman sana noon. Pero dahil sa ginawa niyang paglipat papunta sa Team 301 ay nawala na siya sa paningin ng lahat.
Dahil diyan ay wala nang nakikipaglaban pa kay Lu Boyuan para sa titulo ng numero unong Grappler.