Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1595 - Kalmadong Katakot-takot

Chapter 1595 - Kalmadong Katakot-takot

Waltzing Wave Slash, hindi ito tumama.

Walang kahit na sino mang tinamaan.

Natuwa ang ibang mga manlalaro ng Happy matapos nilang makita na binasa ni Mo Fan si Jiang Botao, pero hindi iyan sapat para maguluhan ang kaniyang kalaban. Natutong basahin ni Mo Fan ang galaw ng kaniyang mga kalaban sa pamamagitan ng kanilang class.

Papaanong hindi rin ito alam ng isang mas beteranong manlalaro na kagaya ni Jiang Botao?

Si Deception ay isang Ninja. Nagagamit ng mga Ninja ang kanilang Ninjato para umakyat ng mga pader, at dahil diyan ay palagiang tinatandaan ng mga propesyonal na manlalaro ang abilidad nilang ito kapag ang kalaban nila ay isang Ninja.

Dahil sa inilayo ni Empty Waves ang kaniyang sarili sa stalactite, kitang-kita niya ang kabuuang laki nito.

At saka, dahil sa pahalang ang kaniyang paggalaw at sinubukan niyang kumuha ng bagong anggulo para atakihin si Deception ay nagawa na rin niyang makita kung gaano nga ba ka-taas ang stalactite.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS