Naipadala na ng dalawang kampo ang kani-kanilang mga ikalawang manlalaro para sa Group Arena, pero parang kasalukuyang iniisip pa rin ng karamihan sa mga manonood ang unang labanan kanina. Sa mga sandaling papaakyat na sa entablado si Mo Fan ay pumalakpak ang mga tagahanga ng Happy.
Ang mga tagahanga naman ng Samsara ay masama pa rin ang pakiramdam, malagim ang kanilang mga hitsura, talaga nga namang tahimik sila ngayon sa mga sandaling ito.
Naaapektuhan ang isang manlalaro sa mga nararamdaman ng mga manonood sa loob ng istadyum, lalo na kapag ang isang manlalaro'y emosyonal, at madaling naaapektuhan sa mga pagbabagong nagaganap sa istadyum.
Para sa kanila, mas ganado silang makipaglaban kapag mas natutuwa ang mga manonood. Hindi na importante pa kung para sa kanila ba nakatuon ang tuwa ng mga manonood. Basta't natutuwa sila't nagsisisigawan ay sapat na iyon para ganahan silang maglaro.