Walang alam ang mga manonood na nag-usap pala sina Ye Xiu, at Jiang Botao kanina bago pa man magsimula ang mga labanan. Dahil diyan, tinrato lang nila ang usapan ng dalawa ngayon bilang palitan ng mga salita sa pagitan ng dalawang magkalabang manlalaro.
Pero 4% na lamang ang natitira sa buhay ni Lord Grim. Sapat na ang isa sa mga Wave Slash na skill ng isang Spellblade para patumbahin si Lord Grim sa baba ng kaniyang Health. Noong una pa lamang ay alam na ng lahat kung sino ang mananalo sa labanang ito.
Pero hindi nawalan ng tiwala ang mga tagahanga ng Happy dahil dito. Iyong mga taong iniisip na tapos na ang labanang ito dahil sa masyadong mababa na ang buhay ni Ye Xiu ay ano kaya kung kausapin nila si Lin Jingyan sa noong kalaban pa ng Happy ang Tyranny?!
Hindi lang ang mga tagahanga ng Happy ang may tiwala kay Ye Xiu. Pati na rin ang dalawang pinuno sa seremonyas na sina Pan Lin, at Li Yibo.