Ngayon na ang mga huling sandali ng labanang ito. Hindi maaaring magkamali ang kahit na sino sa dalawa, kadalasang sa mga panahong ito ay nag-iingat ang karamihan sa mga manlalaro. Una muna ang walang pagkakamali, kasunod nito ay ang paghahangad na para sa tagumpay.
Kahit na parang simple lang itong pakinggan ay alam ng mga manlalarong naiintindihan ang kagandahan ng Glory kung gaano kapana-panabik ang lahat ng ito.
20% na lamang ang natitirang Health ni Cloud Piercer, habang si Lord Grim naman ay 10% na lamang.
Sa agwat ng buhay nilang dalawa ay masasabi mo na talaga nga namang nakakalamang si Cloud Piercer sa labanang ito/
Gayunpaman, hindi iyan ang naiisip ng karamihan sa mga propesyonal na manlalaro. Iyan ay dahil sa nakakapag-isip pa rin sila ng mga pamamaraan para mabaliktad ni Ye Xiu ang takbo ng labanang ito.
Inisip nila kung gaano kalaking Health ang makukuha ni Ye Xiu kapag gumamit siya ng Small, Great, at Holy Cure.