Ang harapang ito'y halos sumakal sa lahat ng mga manonood. Hindi sila makahinga, takot na baka maistorbo ng kanilang hininga ang paglalaro ng dalawa. Kahit na ang mga manonood na wala namang sinusuportahan ngayon ay hindi mapigilang kabahan.
Pero ang pinakakinakabahan sa mga sandaling ito ay iyon pa ring mga manonood na direktang naaapektuhan ng lahat ng ito. Iyon ay ang mga manlalaro ng dalawang Team na nakaupo ngayon sa kanilang mga upuan.
Sa mga panahong binasag ni Cloud Piercer ang limitasyong nakalagay sa laro dahil sa disenyo nito ay nagkagulo ang buong istadyum. Halos nawala sa sarili nilang kaisipan ang karamihan sa mga manonood, nagsisisigaw sila't nagtatawanan!
Ito na ang rurok ng lakas ng Samsara, at kahit na ang mga manlalaro mismo ng Samsara ay hindi mapigilang mapangiti sa kanilang nakikita.