Sa mga sandaling ito ay parang namuo ang isang bagyo sa buong istadyum. Iyan ay dahil sa magaganap na ang isag labanan sa pagitan nina Ye Xiu, at Zhou Zekai.
Talaga nga namang kapana-panabik ang labanan sa pagitan ng dalawang numero uno. Pero noong una ay hindi naging malaki ang tiwala ng karamihan na mangyayari ito.
Alam na ng lahat na paniguradong mangunguna sa labanan si Ye Xiu. Sa kabilang dulo naman, palaging umaasta ang Samsara kagaya sa inaasahan ng lahat. Inilalagay nila ang kanilang alas na manlalaro sa kanilang ikatlo, o ika-apat na pwesto.
Dahil diyan ay masyadong mababa ang chansa na magtagpo ang landas nitong dalawa.
At saka, kahit na gusto mang basagin ng Samsara ang hindi natitinag na sunod-sunod na mga tagumpay ni Ye Xiu ay mayroon namang nasasandigang eksperto sa mga harap-harapang labanan sa kanilang Team na si Sun Xiang.