Ang finals. Ang karamihan sa mga propesyonal na manlalaro ay hinahangad na makapasok sa entablado na ito. Pero ngayon, ang nakatayo sa entablado na ito ay ang Happy, at Samsara.
Matapos matalo ng isang yugto ng labanan ay hindi na maaaring matalo pa ang Happy. Pero ang talunin ang Samsara sa sarili nilang istadyum. Wala pang kahit na sinong Team ang nakakagawa ng ganito sa season na ito.
Ang istadyum ng Samsara ay naging isang teritoryo na walang kahit na sino man sa Alliance ang nagagawang makapagpaguho. Tyranny, Blue Rain, Tiny Herb. Ang mga malalaking pangalan na ito ay walang natagpuang kahit na ano man dito, kundi ang pagkatalo.
Ang Team na muntik nang matalo ang Samsara sa sarili nilang istadyum ay ang Team Hundred Blosoms sa ikalabin-walong yugto ng mga labanan sa regular season. Nagawa nilang tapusin ang labanan sa iskor na 4 laban sa 6. Pero ang hinahangad lang naman ng Hundred Blosoms ay tabla...