Matapos ang halos isang linggong pamamalagi sa City Q. Sa wakas ay nakauwi na rin ang Team Happy sa kanilang siyudad na City H. Gayunpaman, ang naghintay sa kanila ay isang kabang talaga nga namang hindi pa nararamdaman ng karamihan sa kanila noong una.
Samsara, at Happy.
Ang isa ay isang Kampeonatong Team na dalawang sunod-sunod na beses na nasungkit ang Kampeonato, habang ang isa naman ay isang bagong Team na kakapasok pa lamang sa Alliance.
Ang dalawang Team na ito na masyadong malayo ang agwat sa isa't-isa ay nagawang mapasok ang finals ng sama-sama.
Wala nang kahit na sino pa man ang nagmamaliit sa Happy, at wala na ring kahit na sino pa man ang magsasabi na isang hamak na Team lamang ang Happy na mula sa isang Internet Cafe.