Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1575 - Paalam, Lin Jingyan

Chapter 1575 - Paalam, Lin Jingyan

Malinaw, sakto, at lohikal.

Ang mga Reporter na nandirito ngayon sa mga sandaling ito ay narinig na ang mga salaysay na ganito ni Zhang Xinjie noon. Pero nagulat pa rin sila't namangha sa pagkakalmado ni Zhang Xinjie sa kaniyang pananalita.

Kahit na sa harap ng pagkatalong ito na sumayang sa kanilang isang buong taong paghihirap ay walang kahit na sinong nakakasabi na naapektuhan ang kaniyang emosyon sa mga salaysay na kaniyang binitawan.

Nakakaramdam ba siya ng pait? Panghihinayang, at kalungkutan?

Syempre naman nakakaramdam siya ng ganiyan!

Walang kahit na sino mang manlalaro ang magagawang mapairal ang kanilang pagkakalmado matapos ang ganitong klase ng pagkatalo. Pero nagagawang maitago ni Zhang Xinjie ang tunay niyang nararamdaman sa mga oras na kinakailangan niya itong gawin.

Gusto niyong malaman kung ano ang tingin namin sa aming mga kalaban? O sige ba, pagbibigyan ko kayo. Deretsahan ko kayong sasagutin.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS