Han Wenqing, Lin Jingyan, Zhang Jiale, at Zhang Xinjie...
Dahil sa apat na ito ay naging parang wala na yatang makakatalo sa Tyranny sa mga mata ng lahat, pero ang Tyranny ay hindi lamang binubuo ng apat na ito. Sina Song Qiying, at Qin Muyun rin ay naglaro sa Team Competition kasama ang apat na heneral na ito.
Kahit na nasa mga kamay na ng Happy ang kalamangan sa labanan noong sumali sa laban si Qin Muyun, hindi siya nawalan ng pag-asa't determinasyong manalo.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para umambag sa labanan, at dahil diyan ay napatagal ang mahigpit na labanan sa loob ng kalahating oras.
Tungkol naman kay Song Qiying? Siya ang huling pag-asa ng Tyranny sa Group Arena. Pero sa huli ay nabigo siyang bumawi. Naging maganda naman ang paglalaro niya sa Team Competition, pero ang pait na pagkatalo pa rin ang kaniyang nakamit sa huli.