Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1567 - Tulak at Hatak

Chapter 1567 - Tulak at Hatak

Tumama sa Myriad Manifestations Umbrella ang suntok ni Desert Dust. Ang sampung taon nang magkaribal na dalawang ito ay palagian talagang naglalaban sa mga panahong nagtatagpo ang kanilang landas. Walang kahit na sino sa kanilang dalawa ang umaatras sa laban.

Natigil ang Charge ni Lord Grim, habang napaatras naman si Desert Dust. Bahagyang mas mataas ang prayoridad ng Charge na ginamit ni Lord Grim. Sa kalamangang 'yan, magiging madali lang para sa kaniya na malampasan si Desert Dust.

Pero ang problema ay hindi lamang naman kasi si Han Wenqing ang kinakailangan niyang lampasan.

Tiger Flips the Mountain!

Nagawang malampasan ni Ye Xiu si Han Wenqing. Pero hinarangan siya ng Dark Thunder ni Lin Jingyan gamit ang Tiger Flips the Mountain. Walang magawa si Ye Xiu para magpatuloy, at dahil diyan ay wala siyang nagawa kundi ang umatras na lamang.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS