Chereads / The King's Avatar (Tagalog) / Chapter 1561 - Ang Mapusok na Tyranny

Chapter 1561 - Ang Mapusok na Tyranny

Ang ginawang pag-ilag ng Tyranny sa atake na ipinadala ni Fang Rui ay nakadepende sa kanilang pambihirang pagkakaintindihan sa isa't-isa.

Pero isang atake lang naman ang nailagan. Iyan lang naman ang nangyari. Pero mayroong kakaibang sagisag ang nagawa nilang pag-ilag sa atake na iyon. Malamang ay hindi ito maiintindihan ng mga ordinaryong manonood lamang. Pero naiintindihan ito ng mga propesyonal na manlalaro.

Habang pinupuri ng mga propesyonal na manlalaro ang koordinasyon ng Tyranny ay kaagad namang bumalik ang buong Tyranny sa kanilang pagkakadikit sa pader. Silang lima'y naging parang isang alon na tumataas, at bumababa.

Itinulak sila ng Spirit Reaches to the Rainbow pataas, pero noong nalampasan na sila ng atake na iyon ay kaagad silang bumaba pabalik sa pader.

This is the end of Part One, download Chereads app to continue:

DOWNLOAD APP FOR FREEVIEW OTHER BOOKS