Naglakad na sa entablado si Tang Rou.
Talagang minamahal ng mga tagahanga ng Tyranny itong kontrobersiyal na manlalaro ng Happy. Ito ay dahil sa ang katapangan, at istilo ng paglalaro naman kasi ni Tang Rou ay bagay na bagay sa Team Tyranny.
Kung ikukumpara sa kaniya, magaling rin naman ang mga baguhang manlalaro na sina Qin Muyun, at Song Qiying. Pero ramdam ng mga tagahanga na parang nagkukulang pa rin naman sila.
Pero ngayon, dahil ang kaharap ni Tang Rou ay si Song Qiying sa huling labanan ng dalawang Team dito sa Group Arena. Papaanong susuportahan nila si Tang Rou para sampalin ang mukha ng sarili nilang Team?
Dahil diyan, sa pag-akyat ni Tang Rou sa entablado ay naging marami ang humamak sa kaniya.