Mananalo ako!
Wala nang mas hihigit pa sa mga salitang ito. At saka, ito rin naman ang inaasam-asam ng bawat propesyonal na manlalaro. Iyon ay ang manalo. Pero ang tatlong mga katagang ito'y hindi naman talaga nagawang makapagpabagabag sa lahat.
Napatawa si Fang Rui: "Haha, mananalo ka? Hindi mo pa nga ako tinatanong kung papayag ba ako!"
Wala siyang natanggap na sagot.
Kagaya sa inaasahan ng lahat ay hindi na naman pinansin ni Song Qiying ang mga salita ng kaniyang kalaban.
Pero kahit na hindi niya ito pinansin ay hindi ibig sabihin na hindi niya ito nakita't nabasa. Hindi tumitigil sa pagsasalita si Fang Rui dahil lang sa hindi siya pinapansin ng kaniyang kalaban. Kagaya noon ay ipinagpapatuloy pa rin naman niya ang kaniyang pagsasalita.
Kahit na hindi kasing-dami sa mga salitang binibitawan ni Huang Shaotian ang mga salitang binibitawan niya. Hindi mas mababa kay Huang Shaotian ang abilidad niyang saktan ang damdamin ng kapwa.