Nasa gitna pa rin ng kanyang Back throw si Dark Thunder. Magkasama sila ni Dancing Rain na nalaglag sa lahar.
Bumagsak ang puso ni Lin Jingyan kasama ni Dark Thunder.
Nagkataon? Swerte?
Syempre hindi. Mas makapal ang abo sa lugar na ito kaysa sa ibang lugar para magtago ng lahar ng ganito. Ito ang smokescreen na sinasadyang gawin ni Su Mucheng.
Plano ito.
Lahat ng ito ay plano.
Ang patuloy na atake ay para itago siya at ipain siya na pumunta. Ang pagtigil ng kanyang atake at pagmamadali na pagtakpan ang pagkakamali ay pagpapanggap lang. Lahat ay para idala si Lin Jingyan sa bitag na ito.
Lahar, lahar na naman.
Halata na malaki ang dalang damage ng lahar at hindi dapat hawakan, pero ang lahat ng sumali sa group arena na ito ay nalaglag sa bitag an ito. Parang wala ng mukhang ihaharap pa si Lin Jingyan.