Matatanggal ng mga taga-hanga ng Tyranny ang pagkatalo. Palagi nilang binibigyang importansya ang proseso hanggang sa huling kalalabasan. Matindi ang naging 1v1. Talagang bihirang pangyayari at lahat ay masaya na dito.
Kahit na sa paningin ng Tyranny, ang kinalabasan na ito ay talagang nakakainis. Kanina lang naisip nila na matatalo na si Ye xiu. Ang panalo nila sa 1v1 ay mawawasak na. Ang kasiyahan na ito ay parehas ng level sa pagtalo ng Tyranny sa dinastiya ng Excellent Era sa pang apat na season.
Pero isang segundo lang ang tinagal.
Parang Sasakyang rodilyo talaga ang buhay. Ito ang kumatawan na kasabihan sa isang segudo na iyon. Matatanggap nila ang pagkatalo pero hindi nila matatanggap ang biglang pagbagsak ng kasiyawan sa pagkadismaya.
Ang pinaka-salarin ay si Ye Xiu!
Palaging kinamumuhian ng mga taga-hanga ng Tyranny si Ye Xiu. Ngayon paanong nasa kalagayan pa sila para batiin ang nanalo?