"Dapat kanina mo pa ginawa iyan!" Sabi ni Ye xiu noong bumaba si Tang Rou sa entablado at nakatanggap ng palakpakan sa mga kasamahan niya.
"Sige, sa susunod." Sagot ni Tang Rou na may ngiti. Alam niya na malamang pagpapalakas ng loob ang sinabi ni Ye Xiyu para sa maganda niyang pinakita sa huling kalahati ng laban.
Hindi na baguhan ang kasalukuyang Tang Rou na hinamon si Ye Xiu at nadurog ng makailang beses. Nakikita niya ang pagkkaaiba sa skill sa pagitan ng mga manlalaro ngayon at hindi na magiging kompyansa pa katulad noon. Alam niyang kung anong klaseng tiyempo ang magaling siya laruin. Kapag tinaas pa niya ang tiyempo, malamang makakagawa siya ng pagkakamali. Parehas sa kung paano laruin ang Basketball, mas malayo ka sa ring, mas mababa ang pagasa na makapasok ito. Kahit na minsan nakakapasok ang kalahating court na three point shot, sinong magbibilang ng mga nakakagawa ng ganitong atake?