"..."
Tatlong tuldok. Mas madaling tuldok pa ang sagot ni Han Wenqing.
Kaharap niya lang ang isang Cleric. Laban sa isang Cleric na walang kung anong suporta, kung makakalapit siya, ibig sabihin oras lang bago mapatay ang Cleric. Pero hindi inaasahan na parehas ang sagot ni Han Wenqing. Ibig sabihin na hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakalapit sa Little Cold Hands ni An Wenyi?
Nagulat si Zhang Xinjie. Lahat naintidihan ang ibig sabihin ng tatlong tuldok na ito. Agad na nagpokus ang palabas sa laban doon.
At talaga namang hinahabol pa rin ni Desert Dust si Little Cold Hands.
Kahit na ang mga manlalaro ng Tyranny at mga manonood, kahit si Han Wenqing nakaramdam ng gulat.