"He, sobrang bata mo pa Little Han."
Ito ang huling mensahe ni Wei Chen na iniwas sa chat ng group arena, isang bagay na halos magpasuka ng dugo sa lahat ng manlalaro ng Glory.
Kung pati si Han Wenqing bata pa, may kahit na sino pa ba na masasabing beterano? Sobrang hindi tama ang pag-yayabang na iyon.
Pero ito ang Home Stadium ng Happy. Ito ang bagay na talagang itatawa ng mga taga-hanga ng Happy.
Pero nakaka-asar ito para sa taga-hanga ng Tyranny. Hindi nila katatakutan ang matalo pero ang matalo sa lalaking katulad nito ay talgang nakakasuka, lalo na noong ang matalo ay ang pinaka-nirerespeto nilang Captain na si Han Wenqing.
Walang makakasisi kay Han Wenqing sa talo na ito. Nakita nila ang madalas niyang tapang at daterminasyon. Itong kalaban na ito. Sobrang tuso, sobrang mapanlinlang, sobrang walang hiya…
Maaaring sa parehas na level, ito ang mortal na kalaban ng direktang istilo ni Han Wenqing!