Nakatayo ang dalawang manlalaro sa may pader, masyadong magkadikit na silang dalawa, at sa sobrang kapal ng tensyong namamalagi sa hangin ay parang nakikita mo na ito.
Hanggang sa lumitaw ang mga mensahe nila sa chat.
"Pumasok ka!"
"Lumabas ka!"
Kaagad na nabasag ang tensionadong sitwasyon na ito dahil sa mensaheng pinapadala ng dalawa sa isa't-isa. Hindi alam ng mga manonood kung matatawa ba sila, o iiyak.
Pero habang nangyayari ang usapan ng dalawa ay gumagalaw na si Ye Xiu. Sa huli ay hindi ginamit ni Lord Grim ang pintuan, kundi lumabas siya gamit ang bintana. Umakyat gamit ang kaniyang Ninjato, at narating niya ang ikalawang palapag na direktang nasa itaas lang sa kinaroroonan ni Zhang Jiale.
Nabigla ang lahat. Sa ginawang ito ni Ye Xiu ay plano ba niyang basagin ang lupang kinatatayuan niya para deretsahang bumagsak siya sa kaniyang kalaban?